HomeTop News Philippines

#WalangPasok: Nobyembre 19, Lunes

MANILA – Walang pasok sa preschool hanggang grade school sa Surigao Del Norte ngayong Nobyembre 19, Lunes dahil sa inaasahang pananalasa ng bagyong Samuel.

Kinumpirma ito ng Philippine Information Agency-Surigao De Norte sa kanilang Twitter page.

Inaasahang magdadala ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang bagyong Samuel sa Caraga Region, Davao Oriental, Compostela Valley, Southern Leyte, Bohol, Camiguin and Misamis Oriental, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Maaari anilang makaranas ang mga naturang lugar ng landslide at pagbaha.

Itinaas na ng PAGASA ang storm signal 1 sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte and Dinagat Island Province, na maaaring makaranas ng 30 to 60 kph na hangin sa susunod na 36 oras.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.