HomeTop News Philippines

Umano’y tulak patay sa buy-bust sa Cebu

TALISAY CITY, Cebu — Patay ang isang itinuturing na high-value target sa kalakaran ng droga na lider din umano ng carnapping group, Sabado ng madaling araw dito sa lungsod. 

Kinilala ang suspek na si Rolando Valdez na napatay matapos umanong magtangkang makipagbarilan sa pulisya sa kalagitnaan ng ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad. 

Ayon kay Chief Insp. Junard Cabagnot, deputy chief ng Talisay City Police Office, magaling daw magtago si Valdez kaya nahirapan silang hanapin at arestuhin ito. 

Naaresto na noong Pebrero 15, 2016 si Valdez sa kasong robbery pero nakapagpiyansa. 

Dahil sa pinaigting na mga checkpoint sa lungsod, pinasok na rin daw ni Valdez ang pagiging akyat-bahay at pagnanakaw ng sasakyan. 

Enero nitong taon ay isang bahay sa isang subdivision sa lungsod ang pinasok umano ni Valdez kasama ang dalawa pang lalaki na sa ngayon ay pinaghahanap din. 

Narekober sa bahay ni Valdez ang isang baril at 15 pakete ng mga hinihinalang shabu. 

—Ulat ni Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.