HomeTop News Philippines

Umano’y high-value target patay sa buy-bust sa Laguna

MAYNILA – Patay ang isang drug suspek at nakatakas naman ang kaniyang kasamahan sa ikinasang buy-bust operation sa San Pablo City sa Laguna, Biyernes ng gabi. 

Ayon sa Provincial Intelligence Branch ng Laguna police, target nila ang suspek na si Gilbert Flores, alyas Bheng, 47.

Nagsagawa sila ng operasyon sa Sitio Pinaglabanan sa Barangay Sta Isabel. Kasama ni Flores ang kaibigang si alyas Bader. 

Pagkatapos ng transaksiyon, nakaramdam umano ang mga suspek na pulis pala ang kausap nila kaya nagpaputok sila ng baril. 

Napatay si Flores na napag-alaman na ika-14 sa mga high-value target sa drugs watchlist ng probinsiya at miyembro umano ng Amante drug group na notoryus na tulak ng droga sa Laguna.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.