HomeTop News Philippines

Tricycle driver, tiklo sa droga sa QC

MAYNILA – Kalaboso ang isang tricycle driver matapos mahulihan umano ng hinihinalang shabu sa Barangay Bungad, Quezon City, Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa Masambong Police, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal na gawain sa Bayaya Street bago mag alas-11 ng gabi.

Nang rumesponde ang pulisya, tanging ang 41-anyos na suspek ang kanilang naabutan na may tangan pang sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.