HomeTop News Philippines

Tricycle driver patay sa pamamaril

Pauwi na ang biktima matapos ihatid sa paaralan ang pamangkin nang barilin ng gunman sa Bago City. Larawan mula sa Bago City Police

BAGO CITY, Negros Occidental – Patay ang isang 52 anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin dito sa bayan, Miyerkoles ng umaga.

Pauwi na si Ramon Prado matapos na maghatid ng kaniyang pamangkin sa eskuwelahan nang barilin sa Purok Kaaghu-an sa Barangay Ma-ao.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan si Prado na ikinamatay nito. 

Nakatakas naman ang gunman pero may person of interest na ang pulisya. May nakuha ring saksi ang pulis sa insidente.

Matagal nang alitan ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pamamaril sa biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.