HomeTop News Philippines

Sunshine Cruz, ibinahagi ang laban sa lalaking nambastos sa anak

MANILA — Ibinahagi ni Sunshine Cruz ang naging laban sa lalaking nambastos sa kanya at isa sa mga anak niya na menor de edad.

Sa “Magandang Buhay” nitong Huwebes, sinabi ni Sunshine na bilang isang ina ay hindi niya kayang tanggapin ang pambabastos na ginawa sa kanyang anak.

“Ako kasi hanggang maari ang patience ko ay mahaba pagdating diyan. Kasi bilang artista normal na minsan mayroong mga hindi ganun kagagandang salita o medyo bastos na nakukuha kami. Pero sabi ko nga sa caption, tao rin kami. Ako ay nagtatrabaho ng maayos para sa mga anak ko. And I don’t think I deserve that, especially ‘yung anak ko na menor de edad,” pauna ni Sunshine.

“It’s just really unfair kasi sobrang laswa na, sobrang bastos na ang sinasabi. At bilang isang ina, hindi ko kayang tanggapin na ganun ang ginagawa sa anak ko na walang kamuwang-muwang and secondly sa akin na nagtatrabaho ng maayos lamang,” ani Sunshine.

Kuwento pa ni Sunshine, maliban sa kanya ay marami pang nabastos ang lalaking pinangalanan niya sa kanyang Instagram post na aniya ay isang chef.
 
“Ako I’m speaking not just for me and my children. Kasi ang dami ko ring natanggap na messages and screenshots na ginawa nitong lalaki na ito sa ibang ordinaryong tao. Kaya hindi ko lang laban ito, laban din ito ng ibang babae na inapi at binastos din nitong lalaking ito,” ani Sunshine.

Sa isa ring post ni Sunshine sa Instagram, ibinahagi nitong tinanggal na sa trabaho ang nasabing chef.

“Sino ba naman ang gustong may mawalan ng trabaho but he’s just too much at kailangan talaga siyang bigyan ng leksiyon para hindi pamarisan,” pahayag ni Sunshine sa “Magandang Buhay.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.