HomeTop News Philippines

‘She knows me so well’: Edward, itinuturing si Maymay na ‘biggest critic, biggest supporter’

MAYNILA — Masayang ibinahagi ni Edward Barber ang mga naging puna ng onscreen partner niyang si Maymay Entrata sa kanyang pagganap sa pelikulang “First Love.”

“She dissected everything, she remembered parts of the movie, ‘Edward ito, naramdaman ko na that was your first day no?’ And she was right,” sabi ni Edward sa naging panayam ng entertainment bloggers sa kanya.

Kuwento pa niya, todo rin ang ginawang pag-aral ni Maymay sa mga eksena ni Edward sa pelikula. “She said, ‘I saw you were nervous there,'” halimbawa ng nagsisimulang aktor.

Nakatanggap man ng mga puna mula kay Maymay, nagpapasalamat pa rin si Edward sa pagsuporta ng isa sa kanyang maituturing na malapit na kaibigan.

“I think it’s something that maybe not people can see. I think because she knows me so well, I think she took notes on her phone about the points of the movie,” aniya.

“So she is one of my biggest critic and one of my biggest supporter,” pahayag pa ni Edward.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.