HomeTop News Philippines

Sam Milby, masaya sa balik-tambalan nila ni Toni Gonzaga

MANILA — Masaya si Sam Milby sa balik-tambalan nila ng dating ka-love team na si Toni Gonzaga para sa pelikulang “Mary, Marry Me.”

Sa “Magandang Buhay” nitong Martes, ibinahagi ni Sam na si Toni ang una niyang love team partner nung siya ay nagsisimula pa lamang sa showbiz.

“Siya ang first love team ko sa showbiz, starting with ‘You Are The One.’ Ang daming throwbacks dito sa movie. And even when I was just starting talaga — it was ‘PBB’ — I knew Toni, seeing her on TV as the host. ‘Yung first Pinoy movie na napanood ko was inside the Big Brother house. We watched ‘D’ Anothers,’ si Toni rin ang bida,” kuwento ni Sam.

Aniya, iba ang saya na makasama si Toni at makita ang tagumpay nito hindi lang sa karera kung hindi maging sa personal nitong buhay. 

“We’ve always had this amazing chemistry ever since then. And the last time na magkasama kami as a love team was nine years ago, ‘Ang Tanging Pamilya.’ So to be working with her again, and to see where she’s in life and all the success she has, and even with the family and her as a mother, ang sarap,” dagdag ni Sam. 

Tampok rin sa “Mary, Marry Me” sina Alex Gonzaga at Melai Cantiveros.

Isa ang “Mary, Marry Me” sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival na mapapanood simula Araw ng Pasko.

Maliban sa pelikula, napapanood mula Lunes hanggang Biyernes si Sam bilang si Ace Corpuz sa sikat na seryeng “Halik.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.