HomeTop News Philippines

Regine, Lea, bukas nga bang magsama sa isang concert?


Bukas nga ba sa ideyang magsama sa isang concert o pelikula ang kinikilalang mga “reyna” ng OPM na sina Regine Velasquez at Lea Salonga?

“Diba magko-concert tayo bago maubos ang boses natin?” tanong ni Velasquez kay Salonga. 

“Sana? I’m just getting better,” sagot ni Salonga. 

Pabiro ring sinabi ng dalawa na bukas sila sa isang “Glorious-inspired” film. 

Regine, Lea todo-puri kay Jed Madela

Nagsama ang dalawang batikang mang-aawit nang dumalo sa anniversary concert ni Jed Madela noong Biyernes, at naghayag sila ng kanilang paghanga dito. 

“When I heard him sing grabe, monster siya,” ani Velasquez, na special guest sa nasabing concert. 

“It’s kind of a milestone and for somebody of his talent he truly deserves to be a bigger star,” ani Salonga. 

Mapapanood si Velasquez sa bagong bihis ng “ASAP Natin To” sa Linggo, habang kasado na ang tour ni Salonga sa Amerika sa 2019. 

— Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.