HomeTop News Philippines

Pulis na suspek sa panggagahasa, pangmomolestiya, arestado sa Nueva Ecija

MAYNILA – Matapos ang halos siyam na taong pagtatago, naaresto na ng National Capital Region Police Office sa General Tinio, Nueva Ecija ang isang nag-AWOL na pulis na suspek din sa panggagahasa at pangmomolestiya sa dalawang menor de edad na babae noong 2010.

Kinilala ang suspek na si Patrolman Johnny Ocampo na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Caloocan Regional Trial Court.

Itininuturo si Ocampo ng dating kinakasama na siyang gumahasa sa noon ay 14 taong gulang na anak at nangmolestiya sa isa pang babae na noon ay 15 taong gulang.

Taong 2006 nang isailalim sa AWOL status si Ocampo na noon ay nakadestino sa Regional Intelligence Division ng MIMAROPA Police.

Tiniyak naman ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar na pagbabayaran ni Ocampo ang mga kasalanan at nangakong wala nang makakapasok na tulad ni Ocampo sa hanay ng Philippine National Police.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.