HomeTop News Philippines

Pulis na ‘nag-cocaine’ sa Taguig club sinibak

Sinibak sa puwesto nitong Biyernes ang pulis na umano’y naaktuhang gumagamit ng cocaine sa loob ng isang club sa Taguig sa kasagsagan ng Undas.

Ani National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar sa DZMM, na na-relieve si Police Officer 1 Redentor Bautista ng anti-crime unit ng Raxabago Tondo Police. 

“Sibak na po siya sa posisyon, so ni-relieve na siya sa Manila Police District (MPD),” ani Eleazar sa DZMM. 

Kinumpirma rin ito ni MPD spokesperson Senior Inspector Ana Lourence Simbajon.

Tanggal rin ang hepe ng istasyon na si Chief Inspector Manny Israel dahil sa command responsibility. Pinirmahan kasi umano ni Israel ang leave form ni Bautista kahit naka-full alert ang kapulisan para sa Undas. 

Nahaharap si Bautista sa kasong paglabag ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. 

Kasalukuyang nakakulong si Bautista sa Taguig police station.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.