HomeTop News Philippines

PNP: 356 katao huli sa vote-buying ngayong #Halalan2019

Umabot sa P12.2 million ang nakumpiskang pera na ginamit sa pagbili ng boto, ayon sa Philippine Narional Police. 

Ayon sa pinakahuling datos mula sa National Election Monitoring action center sa Camp Crame, umabot na sa 356 ang kanilang naaaresto sa higit 200 anti-vote buying operations nila. 

Walong menor de edad naman nasangkot sa vote buying ang dinala sa DSWD. 

Pinakamarami ang naaresto sa National Capital Region at pinakamarami naman ang napaulat na insidente ng vote buying sa Cordillera, Eastern Visayas at Central Luzon. 

Tinutugis naman ang 85 pang lumabag. 

Mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang vote-buying at maituturing itong election offense, batay sa Omnibus Election Code. 

Paparusahan din ang mga tatanggap ng pera mula sa vote-buying, pero bibigyan sila ng “immunity” kung isusumbong nila ang umano’y nagbenta sa kanila ng boto. — May ulat nina Maan Macapagal at Zandro Ochona, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.