HomeTop News Philippines

Pinay divas, todo-handa na para sa concert kasama ang Boyz II Men

MANILA — Isa-isang nagpakita ng kanilang birit powers sina Angeline Quinto, Yeng Constantino, Kyla at KZ Tandingan.

Muling magbabalik sa isang major concert ang apat na Pinay divas kasama ang international soul artist na Boyz II Men.

Sa media conference para sa concert nitong Martes, inamin ni KZ na kailangang i-level up ang kanilang pagpe-perform.

“Kasi siyempre iba ang excellence ng Boyz II Men. So for us to be in the same concert as them, pareho kami nag-headline ng concert, kailangan ‘yung excellence namin as artists, as performers and as a group, nasa same level ng Boyz II Men. Doon nanggagaling ang pressure,” ani KZ.

Si Kyla naman aminadong fan ng Boyz II Men na maraming hits na sumikat din dito sa Pilipinas.

“Parang mixed of different emotions pero mas parang may kaba. Lumaki ako sa music ng Boyz II Men, sobrang iniidolo ko sila. In fact, noong first time na nag-perform sila dito long, long time ago, nanood ako noon,” ani Kyla.

Si Angeline Quinto, nagbigay detalye ng paghahanda nila sa concert.

“Talagang lahat po kami very hands-on sa lahat ng production number na gagawin namin. Actually si KZ talaga, akala ko nga concert niya na ito eh. Joke lang,” ani Angeline.

“Siguro every time na nagpe-perform kami ‘di nawawala ang pressure,” dagdag ni Angeline.

At si Yeng ‘di na mahintay makipag-collaborate sa Boyz II Men.

“Nakaka-excite po kasi may gagawin kami production number with Boyz II Men. So dapat lahat abangan talaga ang collaboration namin with them nakakanerbiyos, pero ‘yun nga good kind of pressure siya eh,” ani Yeng.

Magaganap ang “Boyz II Men with Divas Live in Manila” concert sa Disyembre 15 sa Araneta Coliseum.