HomeTop News Philippines

Paolo Paraiso, na-injure ang mata sa shoot ng bagong pelikula

Retrato mula sa Instagram ni Paolo Paraiso/ @paoloparaiso

Nagtamo ng injury sa mata si Paolo Paraiso sa gitna ng shoot ng bago niyang pelikulang “Kontradiksyon” na tumatalakay sa isyu ng extrajudicial killings (EJKs), kuwento mismo ng aktor.

Sa Kontradiksyon, gagampanan ni Paraiso ang papel ng kontrabida na sasalungat sa karakter na gagampanan naman ni Jake Cuenca, isang “anti-EJK advocate” na masusubok ang mga prinsipyo.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ikinuwento ni Paraiso na sa gitna ng pag-shoot ng kanilang fight scene ni Cuenca ay naimpeksiyon ang kaniyang mata, dahilan para mapunit ang kaniyang kornea o iyong malinaw na suson na tumatakip sa harap ng mata.

“We had a fight scene and then we were rolling in the dirt,” sabi ni Paraiso. “Madumi so na-infect ‘yong mata ko.”

“I tore my cornea, like three-fourths of my eye was torn,” dagdag ng aktor.

Inihayag din ni Paraiso ang kaniyang pagkasabik na maipalabas ang kanilang pelikula dahil daw sa panibagong paraan ng pagtalakay sa paksang EJKs.

“Kasi the material, the concept, the theme is medyo old, kasi it tackles about EJK. It’s been done, people have done it, have shown it, pero the way the material was presented to us, how we shot the story, it feels different,” aniya.

“It doesn’t take sides eh. It just presents the situation,” anang aktor.

Ipalalabas ang “Kontradiksyon” sa Pebrero sa susunod na taon.

Makakasama nina Cuenca at Paraiso sa pelikula sina Kris Bernal, Katrina Halili at Ritz Azul.

–Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.