HomeTop News Philippines

PANOORIN: Iba’t ibang pakulo sa pagsalubong ng 2019

Samu’t sari ang pakulo sa iba’t ibang dako ng daigdig para salubungin ang taong 2019.

Sa New York sa Amerika, tinanghal ang taunang “Good Riddance Day” na isang “symbolic” na pagtanggal ng masasamang alaala ng taon.

Isinusulat nila ang mga alaalang ito sa papel at ipinapasok sa isang shredder.

Kabilang sa mga gusto nilang matanggal na sa susunod na taon ang mataas na bayarin sa kuryente, renta, gun violence, negatibong pag-iisip, at sexual assault.

Isang “Good Samaritan Campaign” naman ang handog ng Monte de Oracion Church sa La Paz, Bolivia.

Binuksan nila ang kanilang mga pinto para sa mga walang bahay.

Nagpamahagi din sila ng libreng pagkain, gupit, bagong damit, at mga gamot sa mga ito.

Samantala, kinilala sa New Year’s Honour List ni Queen Elizabeth II ang apat na diver na tumulong sa pagsagip ng 12 batang football players at ang kanilang coach na na-trap sa binahang kuweba sa Thailand.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.