HomeTop News Philippines

Pangulong Duterte, namahagi ng ayuda sa mga benepisyado sa Cebu

CEBU CITY — Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamimigay ng unconditional cash transfer sa halos 2,000 benepisyado sa Cebu City.

Pasado alas-2 Linggo ng hapon nang nagsimulang maghintay ang mga benepisyado para makuha ang ayudang kanilang matatanggap mula sa pamahalaan.

Ayon kay Duterte, mula sa Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law ang perang ipapamahagi sa mga benepisyado.

Ang bawat benepisyado ay nakatanggap ng P2,400 para sa isang taong ayuda para sa 2018.

Ngayong 2019, P300 kada buwan na ang ibibigay ng pamahalaan.

Ayon kay Shalaine Marie Lucero ng Department of Social Welfare and Development Region 7, hindi pamumulitika ang kanilang pagbibigay ng ayuda sa mga benepisyado.

Kasabay ng pamimigay ng cash aid ang pagbisita ni Duterte sa Cebu at ang campaign rally ng mga kandidato ng PDP-Laban.

Sa Central Visayas, aabot sa 700,000 ang benepisyado para sa unconditional cash transfer.

Samantala, sa kaniyang speech, sinabi ni Duterte na wala na siyang balak na tumakbo pa sa kahit na anong posisyon sa pamahalaan pagkatapos ng kaniyang termino bilang pangulo.

“After 3 years, di nako modagan (Matapos ang tatlong taon, hindi na ako tatakbo sa kahit anong posisyon sa pamahalaan),” aniya.

Dagdag pa ni Duterte, gusto na rin niyang magpahinga.

“Gusto nako mamatay. Gusto nako mopahuway (I want to die. I already want to rest),” aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.