HomeTop News Philippines

Padyak driver, timbog sa pagbebenta ng shabu

BACOLOD CITY – Arestado ang isang padyak driver sa isang operasyon kontra-droga sa Barangay 6, Bacolod City Sabado ng hapon.

Ayon kay Police Capt. Leo Estopa, matagal na nilang minamanmanan ang kilos ng nasabing drayber. Front lamang umano nito ang pagmamaneho ng padyak, at ito umano ang paraan niya para makapag-deliver ng droga.

Nakuha mula sa suspek ang limang malalaking sachet ng hinihinalang shabu at cellphone na ginagamit sa transaksiyon. 

Aabot sa P246,000 ang halaga ng ilegal na drogang nakuha sa suspek.

Sa Silay City naman, arestado ang isang 35 anyos na lalaki matapos makuhanan ng P75,000 na halaga ng ilegal na droga at drug paraphernalia.

Kapwa haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawang arestado.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.