HomeTop News Philippines

Pabrika ng damit sa Mandaue, nasunog

CEBU – Nasunog ang isang pabrika ng damit sa Barangay Subangdaku, Mandaue City, Cebu Martes ng gabi.

Kuwento ni Samson Tiu, may-ari ng pabrika, malaki na ang apoy nang makita ito ng kaniyang mga magulang pasado alas-9 ng gabi.

“Wala na kaming nakuha na mga gamit,” aniya.

Blangko sila sa dahilan ng sunog dahil pinatay nila ang kuryente dahil holiday at walang trabaho.

Ayon kay Fire Insp. Harley Glenn Galpo, deputy fire marshal ng Mandaue City, nahirapan sila sa pag-apula ng apoy dahil sa mga tela sa loob ng gusali.

Tinatayang nasa P1 milyon ang naitalang danyos. Inaalam pa ng mga bombero ang dahilan ng sunog. – Ulat ni Jude Torres, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.