HomeTop News Philippines

P6 milyong halaga ng ‘shabu’ nasamsam sa Cebu City

CEBU CITY – Nasamsam ang P6 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa 2 suspek sa magkahiwalay na operasyon sa lunsod nitong Huwebes ng gabi.

Nahuli ang P3.4 milyong halaga ng droga mula sa isang alyas Junior sa Barangay Duljo.

Kinilala ng Mambaling Police Station ang suspek na nagbebenta ng shabu sa barangay.

Pero ayon kay alyas Junior, hindi sa kaniya ang mga droga.

“Gumagamit ako pero hindi ako nagbebenta,” aniya.

Ayon kay barangay kagawad Elmer Abella, isang drug den ang area.

Nahuli naman kay alyas Bantam, isang menor de edad, ang P2.5 milyong halaga ng shabu sa Barangay Mambaling.

“Modus niya, text lang tapos doon na magaganap ang bilihan,” ani Police Lt. Col. Glenn Gonzales.

Una nang lumabas ang pangalan ni alyas Bantam sa mga nakaraang drug raid ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.