HomeTop News Philippines

P148,000 halaga ng shabu nasabat mula sa 6 na suspek sa Marikina

MANILA – Aabot sa P148,000 na halaga ng ilegal na droga ang nakuha mula sa 6 na suspek na naaresto sa magkasunod na buy-bust operation sa lungsod ng Marikina, Sabado.

Sa unang buy-bust operation sa isang gasolinahan sa Barangay Sto. Niño naaresto ang hinihinalang tulak na si alyas “PJ” matapos mabilhan umano ng shabu na nagkakahalaga ng P6,000 ng undercover na pulis.

Limang sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa suspek.

Sa ikalawang buy-bust naman nahuli si alyas “Jojo,” ang kinakasama nito na si alyas “Cherry” at mga umano’y parokyano na sina alyas “Farah”, “Cholo” at “Tuknoy.”

Sa loob ng isang karaoke bar sa Barangay Concepcion Uno ginawa ang transasyon kung saan 14 na sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 20 grams ang nakuha mula sa mga suspek.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.