HomeTop News Philippines

P1.9 milyon na halaga ng ‘shabu’, nasabat mula sa 3 suspek

Tinatayang nasa P1.947 milyon ang halaga ng nasamsam na hinihinalang shabu mula sa tatlong suspek sa Mandaue City. Christopher Mahidlawon Mahilum, ABS-CBN News

MANDAUE CITY – Tinatayang aabot sa P1.9-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng awtoridad sa ikinasang buy-bust operation kung saan tatlong suspek and timbog, Biyernes ng hapon dito sa siyudad. 

Naaresto ang tatlong itinuturing na high-value target sa isang bahay sa Barangay Pagsabungan at nakuhanan sila ng 165 grams ng shabu at P500 buy-bust money.

Ayon sa pulisya, sa Sitio Riverside sa Barangay Canduman, Mandaue City unang nangupahan ang mga suspek subalit isinuplong ang mga ito ng kanilang mga kapitbahay dahil sa kahina-hinalang kilos.

Agad umano silang lumipat ng inuupahang bahay nang magsimulang mag-surveillance ang awtoridad.

Nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kung saang lugar lumipat ang mga suspek kaya agad na nagsagawa ng buy-bust operation.

Todo-tanggi naman sila at sinasabing pinatira lamang sila doon ng isang kakilala upang tapusin ang isang buwang renta sa bahay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.