HomeTop News Philippines

‘No. 2 most wanted’ ng Novaliches, timbog

MAYNILA – Arestado Lunes ng gabi ang ikalawang most wanted person ng Novaliches na umano’y sangkot sa kaso ng pangangarnap at ilegal na droga.

Sa bisa ng warrant of arrest, hinuli ng mga pulis si Reymart Lacaba sa kaniyang bahay sa Barangay Sauyo.

Ayon kay Senior Insp. Randy Llanderal ng Novaliches Police Station, itinakas umano ng suspek ang sasakyan ng kaniyang amo.

“Ilang araw na hindi bumalik ‘yung sasakyan at doon nga nag-file na ang may-ari ng kaso,” aniya.

Depensa ni Lacaba, sinadya niyang kunin ang sasakyan dahil 2 linggo raw siyang hindi siniwelduhan ng kaniyang amo.

Tuturuan lang umano niya ng leksiyon ito kaya naisipan itakas ang sasakyan. Hindi raw naman ito nagtagal sa kaniya.

“Nabalik ko po ‘yun, ‘di ko kinuha ‘yun… Wala hong 3 oras sa’kin ‘yun,” aniya.

Kakalaya lamang ni Lacaba sa kasong ilegal na droga. – ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.