HomeTop News Philippines

National Irrigation Administration, tiniyak ang sapat na patubig sa irigasyon sa Bulacan

MAYNILA — Tiniyak ng National Irrigation Administration (NIA) ang sapat na suplay ng tubig pang-irigasyon sa mga palayan sa Bulacan at ilang bahagi ng Pampanga.

Ayon kay NIA Central Luzon press relation officer Eliseo Bitangcol, Enero pa lamang ay nagsimula ng maglabas ng tubig na pang-irigasyon ang NIA. Matatapos ito sa Mayo 15.

Ang pagtitiyak ay kasunod ng naranasang problema sa suplay ng tubig sa Metro Manila. Sa Angat Dam din kasi nagmumula ang suplay ng NIA.

Samantala, ayon kay Bulacan Provincial Agriculturist Maria Gloria Carillo, dahil sa sapat na suplay ng tubig, inaasahang aabot sa mahigit 140 milyong metriko toneladang palay ang kanilang maaani.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.