HomeTop News Philippines

Mga pamilya nina Ogie at Michelle van Eimeren, nagdiwang ng Pasko nang magkakasama

MANILA – Nagdiwang ng Pasko ang pamilya ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid at ang ex-wife nitong si Michelle van Eimeren.

Sa isang post sa Instagram, nakitang nakangiti at masaya si Ogie at ang asawa nitong si Regine Velasquez, si Michelle at ang asawa niyang si Mark Murrow at ang kanilang mga anak.

Ikinasal si Ogie sa dating Australian beauty queen noong dekada 90, ngunit na-annul ang kasal nila noong 2007.

Ikinasal ang OPM artist sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez noong 2010.