HomeTop News Philippines

Mga katutubong palaboy na namamasko, sinagip

MAYNILA – Puno ang Police Station 10 ng Quezon City Police District ng mga katutubong Aeta at Badjao na sinagip ng mga awtoridad dahil palaboy-laboy sa lungsod para umano mamasko.

Dinala sila ng pinagsanib na puwersa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng kanilang programa para sagipin ang mga katutubong palaboy.

Naniniwala si Ricardo Batta, social welfare officer 2, na ginagamit ng mga sindikato para manlimos ang mga katutubo.

Nagsimula ang operasyon alas-8 Martes ng gabi na magpapatuloy sa buong Kamuning. Kinuha na rin ang iba pang street dweller sa Kamuning.

Dadalhin sa temporary shelter sa Mandaluyong City ang mga katutubo habang prinoproseso ang kanilang pagbalik sa mga pinanggalingang komunidad. – ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.