HomeTop News Philippines

Magkapatid patay matapos makuryente sa Isabela

ISABELA – Patay ang isang ministro ng Iglesia Ni Cristo at kapatid nito matapos umanong makuryente sa Barangay Minanga, Naguilian, Isabela Biyernes ng tanghali.

Base sa report ng Isabela Police Provincial Office, kinilala ang mga biktima na si Dennis Dagman, 21 anyos, at kaniyang kapatid na si Mark Rendy, 18 anyos.

Natagpuan ang magkapatid na kapuwa nakahandusay sa compound ng kapilya kung saan ang kanilang mga paa ay may nakadikit na steel pole na nakakonekta naman sa umano’y live wire.

Hinala ng mga awtoridad, nakuryente ang magkapatid habang nag-aayos ng electric water pump.

Hindi rin isinasantabi ng pulisya ang posibilidad na unang nakuryente ang nakatatandang Dagman na sinubukang tulungan ng nakababatang kapatid.

Dinala pa sa ospital ang magkapatid pero idineklara silang dead on arrival. – ulat ni Harris Julio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.