HomeTop News Philippines

Mag-asawa, timbog sa buy-bust sa Basilan

BASILAN – Arestado ang isang mag-asawa sa buy-bust operation sa Barangay Kaumpurnah Zone I, Isabela City, Basilan Miyerkoles ng madaling-araw.

Nakuha sa kanila ang 5 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P34,000.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), itinuturing nila ang lalaking suspek na high-value target sa lalawigan.

Sasampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mag-asawa. – Ulat ni Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.