HomeTop News Philippines

Lolo, anak, apo huli sa drug session sa Makati

MAYNILA – Arestado ang 9 katao sa drug session sa isang bahay sa Barangay Comembo, Makati City Martes ng gabi.

Ayon kay Police Col. Roger Simon, hepe ng Makati City police, nabilhan ng P300 halaga ng hinihinalang shabu ang target ng operasyon na si alyas Patty, 64 anyos.

Agad na nilusob ng mga operatiba ang bahay ni Patty at naaktuhan na gumagamit ng droga ang 8 katao. Kabilang dito ang kaniyang anak na babae at lalaking apo.

Nakumpiska sa bahay ni Patty ang nasa P25,000 halaga ng umano’y shabu at drug paraphernalia.

Sasampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. – Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.