HomeTop News Philippines

Ligaw na bala, nadiskubre sa isang bahay sa Butuan City

BUTUAN CITY – Isang pinaniniwalaang bala ng 9-millimeter na baril ang nadiskubre ng mag-asawang Kenneth at Mary Ann Alutaya sa loob ng kanilang kwarto sa isang subdibisyon sa Barangay Ambago, sa lungsod na ito Martes ng madaling araw.

Ayon kay Kenneth nang patulog na sana sila nakita nito ang isang bala sa may kumot.

Nais ng mag-asawa na malaman kung sino ang nagpaputok ng baril na pinagmulan ng bala. 

Ayon pa sa mag-asawa, mabuti na lang at nakalabas ang mga anak nila bago pa mangyari ang insidente.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng kapulisan ang pangyayari at isinumite na rin sa crime laboratory ang bala para sa ballistic exam.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.