HomeTop News Philippines

Lie Reposposa ng ‘PBB’, ayaw maikumpara kay Maymay Entrata

MAYNILA — Sa unang pagkakataon, humarap sa entertainment press ang “Pinoy Big Brother: Otso Teen” big four finalists na sina Kaori Oinuma, Jelay Pilones, Karina Bautista at Lie Reposposa.

Dito, labis na pasasalamat ang ipinaabot ni Lie Reposposa sa mga sumuporta sa kanya habang nasa loob siya ng Big Brother House.

“Nagpapasalamat po ako na mayroong maraming nag-support sa akin, nakaka-proud po, tapos gusto ko po talaga silang yakapin isa isa,” ani Lie sa press.

Hindi din nakaiwas ang “PBB” big four finalist sa pagkukumpara sa kanya ng karamihan sa dating “PBB” housemate na si Maymay Entrata.

[embedded content] [embedded content]

“Sa totoo lang po talaga, ito po ako. Kung ano ang nakikita niyo, ito po talaga ako at hindi po ako nanggagaya ng kahit na sino… Nagpapakatotoo lang po talaga, ganito po talaga ako,” pabiro niyang tugon sa press.

Ayon pa kay Lie, nais niya na makilala ng karamihan kung ano talaga ang kanyang pagkatao at mahalin siya bilang si Lie. “Ayaw kong parang nakukumpara na ganun ganun, ‘yun lang talaga,” masaya niyang tugon.

Sa ngayon, tutok muna si Lie kabilang sina Karina, Kaori at Jelay sa nalalapit na big night ng “Pinoy Big Brother: Otso.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.