HomeTop News Philippines

Lider ng farmers’ group sa Negros Occidental, pinagtataga

HINOBA-AN, Negros Occidental—Patay ang lider ng isang asosasyon ng mga magsasaka matapos siyang pagtatagain, Martes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Lino Dayado, presidente ng Culipapa Farmers Association.

Ayon sa hepe ng Hinoba-an Police na si Major Jerry Nacion, nag-away ang biktima at suspek dahil umano sa pagkakaingin ng huli.
 
Nauwi ang pagtatalo sa pananaga ng suspek sa biktima hanggang sa mamatay ito.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.