HomeTop News Philippines

Lalaking binugbog, gumanti ng saksak; 1 patay, 2 sugatan

DIGOS CITY, Davao del Sur – Nakakulong ngayon sa Digos City Police Station si Marchan Malayang matapos nito umano masaksak ang tatlong lalaking nambugbog sa kaniya Martes ng madaling araw sa lungsod na ito.

Patay ang 18-taong gulang na si Jerome Arabe habang sugatan naman sina Frince Etulle at Michael Tapdas.

Ayon kay Malayang, self-defense lang ang kaniyang ginawa dahil bigla lang umano siya inatake at binugbog ng grupo ni Arabe na walang sapat na rason.

Nag-aabang lang umano sila ng kaniyang kapatid ng masasakyang tricycle dahil uuwi sana sila sa kanilang lugar sa Matan-ao, Davao del Sur.

Base naman sa inisyal na imbestigasyon ng Digos Police, napagkamalan lang ng grupo nina Arabe ang magkapatid na nakaaway nila.

“Dili pa nato masulti kung unsa gyud ang motibo kay naalaan ra man ni sila nag atang ra og tricycle pero gipang kulata,” sabi ni Supt. Deozar Almasa, hepe ng Digos City Police.

(Hindi pa natin masasabi kung ano ang motibo. Aalamin pa natin kung may gang. Itong grupo ni Arabe kasi napagkamalan lang itong magkapatid eh.)

Kinasuhan na ng homicide at frustrated homicide si Malayang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.