HomeTop News Philippines

Lalaki pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Iloilo City

ILOILO CITY – Patay ang isa umanong dating adik matapos pagbabarilin dito sa lungsod, Sabado.

Ayon sa mga saksi, galing sa isang tindahan sa Barangay Osmeña ang 33-anyos na biktimang si Nestor Piagola nang pagbabarilin ng 2 suspek na nakasakay sa itim na motorsiklo.

Tumakas ang mga salarin bago makarating ang mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente.

Si Piagola ay dati nang sumuko dahil sa ilegal na droga kaya tinitingnan kung may kinalaman dito ang motibo sa pagpatay, ayon sa pulisya.

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima.

Ito na ang ikalawang insidente ng pamamaril sa Iloilo City sa loob ng isang linggo, kung saan ang mga salarin ay mga riding-in-tandem. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.