HomeTop News Philippines

Lalaki, patay sa pamamaril sa Mandaue City

Pinagkaguluhan ang crime scene kung saan binaril at napatay ang isang lalaking kagagaling lamang sa sabungan sa Mandaue City. Jude Torres, ABS-CBN News

MANDAUE CITY – Patay matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang lalaking kagagaling lamang ng sabungan, Martes ng gabi.

Sakay ng motorsiklo si Eleazar Garciano nang sundan ng gunman at barilin.

Ayon sa mga nakakita, mag-isa lang ang gunman na nakatakip ang mukha.

Sa imbestigasyon ng pulisya, walang nakaaway sa loob ng sabungan ang biktima bago siya binaril.

Pero nalaman ng awtoridad na may koneksyon ang biktima sa lalaking una nang pinatay noong nakaraang linggo sa loob ng sabungan dahil sa personal grudge.

Patuloy pang iniimbestigahan ng awtoridad ang motibo sa pamamaslang.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.