HomeTop News Philippines

KILALANIN: Francine Diaz, isa sa mga bida ng ‘Kadenang Ginto’

MANILA — Isang pangarap na natupad ang naganap sa batang aktres na si Francine Diaz na isa sa mga bida ng seryeng “Kadenang Ginto.”

Sa “Magandang Buhay” nitong Lunes, ibinahagi ni Francine na hindi niya inaasahan na magbibida siya sa isang serye.

“Actually tinext kami na may storycon. Ako ang pagkakaintindi ko sa text ay sasabihin sa akin kung ano ang gagawin ko as a young role. Kasi ‘yun po ang lagi kong nakukuhang roles, ‘yung palaging bata. So, pagdating ko habang nagkukuwento nalaman ko na isa ako sa mga bida. So, nagulat talaga ako,” ani Francine.

“Doon, habang nagi-storycon kami, nag-thank you agad ako kay Jesus. At habang nagi-storycon kami ay pinipigilan ko ang luha ko kasi sobra akong nao-overwhelm,” dagdag niya.

Tubong Cavite si Francine at pangatlo sa anim na magkakapatid.

Isang maybahay ang kanyang ina at dating OFW ang kanyang ama.

Sa hangaring makatulong sa kanyang mga magulang at mga kapatid, pinasok ni Francine ang pag-aartista at paggawa ng commercials.

Noong 2017, ginanapan ni Francine ang batang Filipina o Pinang sa seryeng “Be My Lady.”

Noon ding 2017, naging parte rin si Francine ng seryeng “Ikaw Lang Ang Iibigin” bilang batang Bianca Agbayani kung saan bida si Kim Chiu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.