HomeTop News Philippines

Inuman nauwi sa pananaksak; 1 patay, 2 sugatan

BACOLOD CITY – Isa ang patay habang dalawa naman ang sugatan nang mauwi sa pananaksak ang isang inuman sa Barangay Handumanan sa Bacolod City Linggo ng gabi.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagkasagutan sina Gary Gaitan at Romeo Canlas habang nag-iinuman sa bahay ni Gaitan sa Purok Chico, Phase 3.

Lumapit si Jeffrey Acejo nang makitang nagtatalo ang dalawa. Galing si Acejo sa kalapit na bahay kung saan ito nakipag-inuman din.

Dito na nagkasagutan sina Acejo at Gaitan na nauwi sa pag-aaway.

Dagdag pa ng pulisya, sumali na rin sa gulo ang dalawang anak ni Acejo.

Dahil sa kaguluhan, nahulog ang apat sa poso negro na nasa labas ng bahay ni Gaitan. Dito na nasaksak ng mag-amang Acejo si Gaitan.

Isinugod sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Samantala, sugatan ang mag-amang Acejo na sina Jeffrey at Mark Eugene Acejo. Kasalukuyan silang ginagamot sa ospital.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.