HomeTop News Philippines

House Speaker Arroyo, bumisita sa Bacolod City

BACOLOD CITY — Binisita ni dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang isa sa mga pioneer na business process outsourcing (BPO) companies sa Bacolod City nitong Linggo.

Si Arroyo rin ang bisita ng nasabing BPO company nang magbukas ito 10 taon na ang nakaraan.

Ayon kay Arroyo, bumisita siya para suportahan ang Hugpong ng Pagbabago.

Suportado din niya ang kaniyang hipag na si Lourdes Arroyo na tatakbong congresswoman sa ikalimang distrito ng Negros Occidental.

Sa darating na Lunes, bibisita naman si Arroyo sa bayan ng Isabela, na isa sa mga sakop ng ikalimang distrito ng Negros Occidental.

Dagdag pa ni Arroyo, wala siyang susuportahan na lokal na kandidato sa Negros Occidental at Bacolod City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.