HomeTop News Philippines

‘Hindi takot mamatay’: Quiboloy nakatanggap umano ng banta sa buhay

DAVAO CITY – Handang magbigay ng seguridad ang Davao Police kay Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ matapos umano itong makatanggap ng pagbabanta sa kaniyang buhay.

Umani ng batikos si Quiboloy at si KAPA Ministry founder Joel Apolinario matapos magpalitan ng salita. 

Umabot na umano kay Quiboloy ang balak ng iba na patayin siya dahil sa mga komento nito tungkol sa KAPA.

“Naa koy unverified reports. Wala ko kabalo kung tinuod. Nadunggan ra nako. Nga wala na daw pwede mokontra ninyo kay patyon ninyo. Unya number 1 ko sa listahan? Dili baya ko hadlok mamatay. Isa ra man gusto mupatay nako si Satanas lang. Satanas na mo?” aniya.

(May mga unverified reports ako. Di ko alam kung totoo. Narinig ko lang — na wala na daw pwedeng kumontra sa inyo kasi papatayin niyo. Tapos, number 1 ako sa listahan? Hindi ako takot mamatay. Isa lang naman ang gustong pumatay sa akin, si Satanas lang. Si Satanas na kayo?)

May namo-monitor din umano ang kapulisan na mga pagtatangka sa buhay ng pastor dahil sa mga naglipanang post sa social media ng mga galit sa kaniya.

“If Pastor Quiboloy will send a letter as to the need arises na kailangan niya ng security, so ko-konduktan po natin yan ng threat assessment as procedure po ng PNP. So once ma-validate natin yung threat sa kanya, we will forward it to PSPG para mabigyan siya ng security,” ani Police Major Jason Baria, tagapagsalita ng Police Regional Office-Davao.

Sa ngayon, wala pang natatanggap na sulat ang pulisya mula kay Quiboloy na kailangan nito ng dagdag na seguridad maliban sa personal bodyguards niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.