HomeTop News Philippines

Higit P500,000 halaga ng ‘droga’ nasamsam sa Negros Occidental

Aabot sa P552,000 halaga ng hinihinalang droga ang nasamsam sa magkasunod na buy-bust operation sa San Carlos City, Negros Occidental noong Sabado, na nauwi sa pagkakaaresto ng 2 suspek, ayon sa pulisya.

Unang hinuli ng San Carlos police sa Barangay II si alyas “Jekjek,” 39 anyos, na nakuhanan ng 6 na maliliit na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalagang P12,000.

Dinampot naman sa follow-up operation sa parehong barangay ang isang 25 anyos na lalaking sinasabing suplayer ni “Jekjek.”

Nakuhanan ang ikalawang suspek ng 7 malalaking sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P540,000.

–Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.