HomeTop News Philippines

Higit 1,000 kilo ng karne mula China nakumpiska sa NAIA

Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa 1,151 kilogramong meat products na walang kaukulang sanitary clearance sa iba’t ibang terminal sa Ninoy Aquino International Airport nitong Biyernes.

Ayon kay Carmelita Talusan, district collector ng Customs-NAIA, kinumpiska ang mga meat product dahil walang sanitary at phytosanitary clearance ang mga ito.

Pawang galing aniya sa China ang mga hinarang na meat products.

Magugunitang kasama ang China sa listahan ng mga bansang apektado ng African swine fever (ASF).

Nai-turn over na ang mga ito sa Bureau of Animal Industry.

Ipinaalala ng Customs-NAIA na iwasan na munang magdala ng
meat products mula sa mga bansang apektado ng ASF.

— Ulat nina Raya Capulong at Raoul Esperas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.