HomeTop News Philippines

Failon Ngayon: Expiration Date

[embedded content]

Natatandaan pa ni Tatay Ross mula Quezon City ang selebrasyon nilang pamilya ng pasko noong nakaraang taon. May grasyang dumating sa kanila bago pa mag-abente singko ng Disyembre. Mga regalong de lata ang ibinigay sa kanila, pagkaing mapagsasaluhan sa noche buena.

Pero nang kanila na itong tinikman, may napansin silang kakaiba, medyo maasim. At ng tiningnan ng kaniyang anak, expired na pala ang mga ito. At ang regalong pamaskong ito nagdulot ng pagkasira ng kaiyang tyan at nagkaroon pa siya ng amoebeasis.

Kapag bibili ng produkto, madalas kang makakita ng ganitong uri ng mga marka, petsa kung kailan ginawa at petsa kung kailan hindi na pwede i-konsumo ang isang produkto. Yan ay minamandatong ilagay ng gobyerno.

Kahit isang araw lang o isang linggo pa ang lumipas sa expiration date, mas mainam daw na huwag na itong buksan at kainin. Pero sa aming pag-iikot sa mga pamilihan, tila maraming palang bersyon ang tatak na ito. Expiry date? Best before? Consume before? Nakakalito di po ba?

Kaya sa 2019, mahigpit nang ipapatupad ng FDA ang tamang marka sa expiration date. Kailangan anila ang porma ng expiration date ay araw o day na numero, buwan na letra at taon na numero rin.

Paliwanag naman ng ni Ricky Salvador Philippine Chamber Of Food Manufacturers, sumusunod ang local producers ng processed foods sa nasabing patakaran.

“Masasabi kong compliant ang local food manufacturers, lalo na yung mga miyembro ng Philippine Food Chamber, dahil lahat po ng produkto namin ay rehistrado ng fda at isa yan sa mga requirement ng fda bago kami bigyan ng rehistro o yung tinatawag naming cpr o certificate of product registration”. Dagdag pa niya “Sumusunod din sila dahil hindi naman sila pwede mag-import kung hndi sila mabibigyan ng CPR din.”

Ayon naman sa isang grupo ng supermarkets at groceries na si Steven Cua ng Phil Amalnamated Supermarket Association, maingat din sila sa mga produktong binebenta sa kanilang mga tindahan.

Pero hindi maitatanggi na sa mga groserya ay may makikita tayong mga naka-promo na produkto na kadalasang binebenta sa mas mababang presyo o kaya bultuhan ang benta. Pero ang siste, kailan nang ikonsumo agad. Kadalasan pa, sa unang tingin, hindi agad makikita ang expiration date ng mga ito.

Payo ng FDA sa mga consumer, maging maingat at mapanuri sa binilibing processed food, maging sa supermarket man o sa palengke. Magbabantay naman daw ang pamahalaan sa mga pasaway.

Kung mainit ang mata ng FDA sa expiration date, bakit sa mga bangketa ay nandon pa rin ang bentahan ng mga expired goods? Ilang ulit na itong ibinalita ng Failon Ngayon pero heto pa rin sila.

Tanong nila Ferdie Passion ng United Filipino Consumers and Commuters, “Anong ginagawa ng ating DOH, DTI, PNP at iba pang mga ahensya ng government, unang una na, mga baranggay, dapat yan ang sumusita dyan, mayor, LGU. So yan po ay pinagmumulan ng expired goods, yang mga binebenta sa bangketa na yan, at dapat yan mahinto na sapagkat yan ay smuggling rin po.”

Sagot naman nila Ricky Salvador ng Philippine Chamber of Food Manufacturers, “Hindi namin mga miyembro yung mga nagbebenta dyan, yan yata yung sinasabing mga nagbebenta ng tingi. Hanggat maaari, nakikipag-coordinate kami sa FDA para masumpil yung mga hindi sumusunod sa patakaran.”

Para sa tulad ni Tatay Ross na nabiktima na ng expired na de lata at ngayo’y naghahanda na naman sa kanilang pang noche buena, “Yung mga naka basket, maganda, mukhang fresh, pero dapat suriin nila mabuti dahil mga de lata baka expired na, yung prutas makikita mo naman, pero yung mga de lata dapat suriin nila yun, baka mamaya expired na yun.”

__________

Abangan ang mga isyung lahat tayo may pakialam sa FAILON NGAYON tuwing Sabado pagkatapos ng I Can See Your Voice
11:00 ng gabi sa ABS-CBN!

Mapapanood ang replay ng FAILON NGAYON sa ANC tuwing Linggo, alas 2:00 ng hapon.

Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa aming official Facebook pages, https://www.facebook.com/failon.ngayon.fanpage.
 
I-follow din ang Failon Ngayon sa aming official Twitter account sa https://www.twitter.com/Failon_Ngayon o @Failon_Ngayon at gamitin ang hashtag na #FailonNgayon.

Maaari ding mapanood ang ibang segments at episodes ng Failon Ngayon sa Youtube at iwant! Bisitahin lamang ang www.youtube.com/abscbnnews at ang www.iwant.ph

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.