HomeTop News Philippines

EDSA provincial bus ban ‘minadali, di napag-aralan’: kongresista

[embedded content]

Minadali at hindi napag-aralan ang plano ng Metropolitan Manila Development Authority ang planong ipagbawal ang mga provincial bus sa EDSA, iginiit ng isang kongresista, Martes. 

Sa pagdinig ng House transportation committee nitong Lunes, inamin ng MMDA na hindi nakonsulta ang mga pasahero ukol sa plano at wala ring pag-aaral na nagpapatunay na pinapasikip ng mga provincial bus ang trapik sa EDSA, ani AKO Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. 

“Ang findings namin dito is that hindi ito napag-aralan, minadali,” ani Garbin sa panayam ng DZMM.

Sa ilalim ng plano, tatanggalin ang mahigit 40 bus terminal sa EDSA at sa halip ay magbababa at magsasakay ng mga pasahero sa 2 integrated terminals: sa Sta. Rosa, Laguna para sa mga galing sa Timog Luzon, at sa Valenzuela para sa mga mula Norte. 

Ipapatawag si MMDA General Manager Jojo Garcia sa susunod na pagdinig ng komite para ipaliwanag kung paano nagawa ang kotrata para sa Sta. Rosa terminal, sabi ni Garbin. 

“We should have an efficient and effective mass transport system. Iyun po ang solusyon [sa trapik],” dagdag ng mambabatas. 

DZMM, 21 Mayo 2019 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.