HomeTop News Philippines

Drug pusher, runner timbog sa buy-bust sa Antipolo

Arestado sa magkahiwalay na drug ops sa Antipolo City nitong Martes ang dalawang drug suspect, kabilang ang isang “most wanted” ng Calabarzon police.

Naaktuhan pa ang pangunahing target na si Louis Mariscotes na umano’y nagbebenta sa poseur-buyer sa sarili niyang tahanan sa barangay San Roque. 

Ayon sa mga pulis, miyembro ng “drug family” si Mariscotes at kilala sa pagbebenta ng droga sa Antipolo, Taytay at Cainta. 

Dati nang inaresto umano ang ama at tatlong kapatid ni Mariscostes sa magkakahiwalay na drug operation. 

Sa follow-up operation naman, inaresto ang tricycle driver na si Jeffrey Chancho, na umano’y runner ni Mariscotes. 

Giit naman ni Chancho na “biktima” lang siya at kay Mariscotes nanggaling ang droga. 

Nakuha kay Mariscostes ang drogang nagkakahalaga ng P30,000, weighing scale, at pera habang nakuha ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P5,000 kay Chancho.

Nakakulong ang dalawang suspek na nahaharap sa reklamong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act. 

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang ibang kasabwat ng mga suspek. 

— Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.