HomeTop News Philippines

Dating pulis, 2 Korean nahulihan ng pekeng pera sa casino

Dalawang Koreano at isang dating pulis ang arestado ng Pasay City police sa tangka umanong makipagtransaksiyon sa isang casino gamit ang pekeng pera nitong madaling araw ng Huwebes. 

Kinilala ang mga suspek na sina Tiange Wu, Song Ho Sang, at dating pulis na si Fernando Silanga, na nahuli sa casino sa Barangay Villamor.
 
Pinaghahanap pa ang Chinese na kasabwat rin umano ng mga suspek. 

Ayon sa mga pulis, sinubukang ipapalit ng mga suspek ang $288,700 USD (P15 milyon) sa teller ng casino. 

Pero nang suriin daw ng teller ang mga salapi, napansin niyang pare-pareho ang serial number ng ilan dito kaya agad pina-hold sa security ang mga suspek hanggang makarating ang mga pulis. 

Napag alamang huling na-assign si Silanga sa San Juan Police pero na-dismiss sa serbisyo noong 2011 dahil sa iba’t ibang kaso. 

Sinampahan ng mga kasong estafa at illegal possession and use of false treasury ang tatlong suspek. 

–Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.