HomeTop News Philippines

Dalaga kritikal matapos magulungan ng trak sa Laoag

LAOAG CITY, Ilocos Norte – Kritikal ang isang dalaga matapos magulungan ng trak sa Laoag City, Ilocos Norte nitong Miyerkoles.

Papuntang palengke si Keziah Grace Asuncion, 21 anyos, sakay ng bisikleta nang mangyari ang insidente.

Kuwento ng drayber ng trak na si Kevin Ancheta, pagewang-gewang umano ang takbo ng biktima. Binusinahan niya ito hanggang sa nang magkalapit na sila, may naramdaman na lang siya na parang nagulungan.

“Nagpreno ako pero huli na. Nasagi niya ‘yung sasakyan. Natumba siya sakto sa gulong. Akala ko ‘yung bisikleta ang nagulungan ko. Pasensiya. Sorry. Aksidente ang nangyari,” pahayag niya sa Ilokano.

Posibleng mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries si Ancheta. – Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.