HomeTop News Philippines

College student, 2 iba pa tiklo sa droga sa Zamboanga City

ZAMBOANGA CITY – Arestado ang 3 katao, kabilang ang isang college student, sa magkahiwalay na operasyon kontra droga sa Zamboanga City Lunes ng gabi.

Nasamsam din ng mga pulis ang nasa 130 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P800,000 at mga drug paraphernalia.

Isinagawa ang operasyon sa Baranagy San Jose Gusu, Zone 1 at sa isang hotel sa Camins St. 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. – ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.