HomeTop News Philippines

Collector patay sa pamamaril sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang collector ng tindahan na nagpapautang ng gamit pambahay matapos pagbabarilin sa Barangay Labangal, General Santos City Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Gumaran Sultones, 33 anyos, na nagtamo ng mga tama ng bala sa harap at likod ng katawan.

Batay sa imbestigasyon, naniningil ng utang ang biktima sa Purok Lower Makar nang bigla itong lapitan at barilin ng hindi pa kilalang salarin.

Narekober sa crime scene ang higit P4,000. Nawawala naman ang sling bag ng biktima na pinaniniwalaang may lamang pera at cellphone nito.

Panghoholdap ang isa sa mga tinitingnang anggulo sa krimen. Ito na ang ika-14 na insidente ng pamamaril na naitala sa siyudad ngayong taon. – ulat ni Francis Canlas, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.