HomeTop News Philippines

Briton at Pinay na live-in partner, nakuhanan ng milyon-milyong marijuana plants

ZAMBALES – Nasamsam ng mga awtoridad ang milyon-milyong halaga ng mga tanin na high-grade marijuana o kush sa buy-bust operation sa Zambales Biyernes ng umaga.

Nahuli rin ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Regional Drug Enforcement Unit ng Central Luzon ang isang British national at kinakasama nitong Pinay na umano’y cultivator ng marijuana.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

I-refresh ang page na ito para sa updates. – ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.