HomeTop News Philippines

Birthday boy, hinabol ng aso, patay matapos mabundol ng kotse

Napatay ang isang lalaki sa Quezon City matapos mabundol ng kotse habang tumatakbo dahil sa paghabol sa kaniya ng dalawang aso.

Pauwi na noong madaling araw ng Biyernes si John Joshua Cabag kasama ang kaniyang mga kabarkada nang bigla silang habulin ng mga aso sa Napuli Street, Barangay Holy Spirit.

Biglang nabundol ng kotse si Cabag, dahilan para mapahiga siya sa kalsada at magtamo ng injury sa ulo na kaniyang ikinamatay.

Nakatakas ang kotseng nakabundol pero naiwan nito ang kanang side mirror.

Kursong secondary education ang tinatapos ni Cabag at nakatakda sanang magtapos ngayong taon.

Ipinagdiriwang din ni Cabag ang kaniyang ika-20 kaarawan noong mismong araw ng aksidente.

Nakikipag-ugnayan na ang mga tauhan ng barangay sa Philippine National Police para sa imbestigasyon.

Gusto ring malaman ng pamilya ni Cabag kung may pananagutan ang mga may-ari ng nanghabol na aso. –Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.