HomeTop News Philippines

Binata, nahulihan ng P1.7-M halaga ng ‘shabu’ sa Cebu

Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

CEBU CITY – Arestado ang isang lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Suba, Cebu City Biyernes ng hapon.

Nakuha sa 18 anyos na suspek ang nasa 225 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P1.7 milyon.

Ayon kay Police. Maj. Keith Allen Andaya, hepe ng Punta Princesa Police Station, lumabas sa kanilang imbestigasyon na ang suspek ang umano’y supplier ng droga sa mga nahuli nilang tulak sa mga nagdaang operasyon.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang pinagkukunan ng droga ng binata. Mahaharap ito sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. – Ulat ni Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.